The Ateneo de Davao High School presents Ang Himagsik, at theater and dance production on March 12 (Thursday) and 13 (Friday) at 6 pm at the Martinez Sports Complex, Matina campus.  Ang Himagsik depicts the events in the classic Filipino epic Florante at Laura and relates them to religious dialogue between Muslims and Christians.  Tickets are available at Gate 7 at P100.

download

ANG HIMAGSIK ni FRANCISCO BALTAZAR ay isang sayaw at panteatrikong dulang pangtanghalan na hango sa mga kaganapan sa klasikong akdang Florante at Laura. Ang ngalang Florante na nagmula sa salitang kastila na “plorar” na nangangahulugang lumuha o umiyak dahil sa kalungkutang nararanasan ng may-akda sa panahon ng mga kastila na nauwi sa paghihimagsik laban sa maling pamamahala ng mga namumuno sa isang bayan, maling paniniwala hinggil sa relihiyon kung saan itinuturing ang mga Moro sa kanyang kapanahunan na napakahamak, dusta, at kasuklam-suklam na napagkamalang likhain ng diyos.

At bagamat ito ay maglalarawan o magsasalaysay sa mga mahahalagang pangyayari sa awit na Florante at Laura, ito rin ay magpapakita ng kahalagahan ng pagkakaisa sa layong magamot ang sugat na nag-ugat sa pagkakaiba ng kultura’t paniniwala ng mga kristiyano at muslim. Tungo na rin sa ikatatagumpay ng hangarin ni Balagtas na ngayon ay isa na rin sa isinusulong ng pamantasan ng Ateneo sa pamumuno ng mga Heswita.

Sa pamamagitan ng palabras na ito ay makikita ng mga mag-aaral ang katotohanan sa pagitan ng Moro at Kristiyano, na tayo ay hindi magkalaban, kundi tayo ay magkapatid na nagkakaisa tungo sa pagkamit ng kapayapaan lalong lalo na sa Silangan. At kung ang relihiyon ang ugat at simula ng lahat ng ito, relihiyon din ang magtutuldok.

Share This